P A G S I S I Y A M
MAHAL NA BIRHEN NG SANTISSIMO ROSARIO, REINA NG CARACOL
O, kalapating kalinis-linisan/ na sa pagdadala ng sangang mayabong/ ng lalong mabangong oliva’t/ nagbalita ka ng kapayapaan dito sa bayang kahapis-hapis/O Inang mahabagin/ na sa pagkakita mong nagugumon ang mundo/ sa lusak ng dilang masasamang asal/ at malapit ng mapahamak sa laki ng matuwid na kagalitan/ ng pinagkasalanang anak mong si Hesus/ ay ipinahayag mo sa iyong debotong si Domingong anak/ na hinirang ng iyong puso/ ang lalong magaling na gamot/ matibay na kuta/at tiwasay na sakdalan ng Santisimo Rosario/ na siya mandin ang ikinapagbago ng buhay ng mga bayang Kristiyano/at ikinapagkamit ng tawad sa lalong katakot-takot at napopoot na hukom.
Ipagkaloob mo sa amin/ O, Inang lubhang mahabagin/ na sa kabagsika’t karapatan nitong kagaling-galingang debosyon/ ay matuto kaming magpayapa sa nagniningas na poot ng ating Diyos at Panginoon./ At sa isang mataimtim na pagsisi at marapat na pagpepenitensiya’y/ mapawi ang mga kasalanang nakapagpapukaw ng kaniyang galit sa amin/ at makapagsabi kami sa kanyang mahal na grasya’t kalugurang Ama.
At kung kami’y makapagkamit patawad sa masintahin mong Anak/at mamahay sa kanyang mahal na puso’t /maging dapat naman naming marinig yaong mapalad na bendisyon o pagpapala.
Magsiparini kayo, mga pinagpala ng aking ama, at ama naman ninyo/ at inyo nang tanggapin ang kahariang nahahanda sa inyo/ mula nang lalangin ng Diyos ang mundo./ Magsiparini kayong mga pinagpala ng aking ina, at ina naman ninyo/at inyo nang kamtan ang ligayang panonood sa karikit-dikitan niyang mukha/ at ang maningas na pag-ibig sa inyo ng katamis-tamisan niyang puso/ sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen, Hesus.

PANALANGING GAGAWIN SA ARAW-ARAW
O, maawaing Birhen, mairuging Ina/ O katamis-tamisang Maria/ aliwa’t takbuhan ng mga masalanan/ taga-pamagitan sa Diyos at sa mga tao/ O lubhang mapalad na sasakyang sumaklolo sa mundong napahamak/ sa lalong masamang pagkalubog/ sa pinakadagat ng kasalanan./ O maningning na bahaghari ng kapayapaan/ nagbigay katapusan sa mga paglalaban ng lupa’t langit/ at pinapagkasundo mo ang Diyos na pinagkasalanan/ at ang nangagkasalang anak ni Adan.

No comments:
Post a Comment