Thursday, September 24, 2009

Ika-Siyam Na Araw


IKA-SIYAM NA ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/at pinagpala naman ang Anak mong si Hesus./ Si Hesus na ibinalita sa iyo ng Arkanghel na si San Gabriel./ Si Hesus na nagkatawang tao sa iyong tiyang birhen./ Si Hesus na ipinanganak mong ilaw, gamot at kagalingan sa mundo./ Si Hesus na ipinagsigawang hari ng mga Hudios./ Si Hesus na napadakip sa kanila alang-alang sa pag-ibig niya sa atin./ Si Hesus na namatay sa Krus sa pagtubos sa atin. Si /Hesus na nabuhay na mag-uli./ Si Hesus na umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos Ama/ at nagputong sa iyo ng korona ng pagka Haring Reyna ng lupa’t langit./ Si Hesus na namagitan sa Diyos Ama ng kami’y papagkamtin ng kanyang kaluwalhatian.

Ang buong Hesus, O, Mahal na Senyora ang iniaalay namin sa iyo dito sa Santisimo Rosario./ Tanggapin mo po parang haing kinalulugdang lubos ng iyong puso/ at gantihin mo naman itong aming alay sa iyo/ ng pagkakaloob sa amin ng biyayang hinihiling ng aming puso’t ikinatatapos namin nitong pagno-novena./ Santa Maria, sakdal awa’t pag-ibig/ Ina ng Diyos at Ina naman namin/ ipanalangin mo kaming mga anak mong makasalanan ngayon sa buhay na ito/ nang kami’y makapagkamit ng grasya’t kapatawaran./ At sa oras naman ng aming pagkamatay ng kami’y magkamit ng kabuhaya’t kaluwalhatiang walang hanggan. Amen, Hesus.


Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be


(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger

WELCOME!

Welcome Kababayans! This blog is dedicated to our Beloved Patroness of Rosario, Cavite.