Thursday, September 24, 2009

Ika-Pitong Araw


IKA-PITONG ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/ pinagpala naman ang Anak mong si Hesus./ Mapalad nga ang bungang ibinigay sa mundo ng kalinis-linisan mong tiyan/ parang lupang malinis sa mga tinik ng kasalanan/ pinagpala nga ang bungang ipinagkaloob mo sa amin./ Amin na nga/ sapagka’t inihain mo sa Diyos at sa kamatayan alang-alang sa amin/ amin na nga sapagkat inihain mo sa Kalbaryo sa pagtubos sa amin/ at amin naman sapagkat mula sa langit/ ay ipinakita mong naninta sa aming mga pinapanaw dito sa bayang kahapis-hapis.


Mapalad ang bungang nanggaling sa paraiso ng halamanan ng kalinis-linisa’t birhen mong tiyan./ Mapalad ang bungang pinitas sa punong kahoy na Santa Krus at nakagaling sa aming mga kaluluwa./ Mapalad ang bunga mong naghatid sa iyo sa langit/ ng mapuspos ang ligaya ng mga lumuluwalhati roon/ idinadalangin po namin sa iyo O kalinis-linisang Birhen/ na patikimin mo kami/ ng masarap at mahalagang bunga ng iyong mahal na tiya/ at kung aming matikman dito ang kanyang katamisan/ sa magaling na pagninilay-nilay ng mga misteryo ng iyong Santo Rosario/ ay manamnam naming lubos ang maligayang piging sa kaluwalhatian ng langit. Amen, Hesus.





Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be



(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger

WELCOME!

Welcome Kababayans! This blog is dedicated to our Beloved Patroness of Rosario, Cavite.