G O Z O S
Leader: Araw-araw ay sumaya ng matamis na ligaya.
Response: Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Malaking kapangyarihan nitong Trinidad na mahal
Siyang nagtanim ng rosal tribunal na kaawaan
Sa ganitong kamahalan, Birhen ay sambahi’t luhuran.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Aming utang Inang tunay ang pag-ibig mong mataman
Kaya po handa na naman bating kapakumbabaan
Ang Ave, ipagdiriwang, wikang pang-alis ng lumbay
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Tao’t anghel ay magpisan, Ave, awiti’t idangal
Dalit na kinalulugdan ng mga taingang banal
At ang demonyong kaaway nailag sa gayong diwang.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Sa tiyan mo pong sagrado, doon nagkatawang tao
Dahilang ipinarito kahinayangan sa tao
Rosal kang sakdal ng bango nangayupapang totoo.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Ang Rosal ng tronong mahal nagdala ng rosang hirang
Sa malaking kabanguhan ay magmula ngayong araw
Prekursor ay napawian dating salang orihinal.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Ipinanganak si Hesus niyong Inang maalindog
Gamot at siyang sumakop sa sala nating tibobos
Dahilan sa pagkalunos nitong mag-inang sing-irog.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Ipinasok sa simbahan ang rosang bango ay sakdal
At inihain ang buhay tubos na kapangakuan
Ama’y napawi ang lumbay at ang galit ay naparam.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Tatlong araw na nawalay ang Anak na kaibigan
Di masabing kalumbayan, Birhen ang iyong dinamdam,
Pagdalangin ay mataman, mawili sa iyong kamay.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Yaong bulaklak na ibig dugo ang ipinapawis
Kulay pa’y kahapis-hapis sa sala nami’y bihis
Nang mapayapa ang init sa Diyos na pagkagalit.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Yaong mukhang pinagtampal nitong Corderong timtiman,
hinampas ng walang bilang, hinalay at pinutungan,
hanggang sa Krus namatay, nagtiis at kaawaan.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Roseo Cordero ang tawag niyong si Bernardong liyag
Ang sa ina nama’y Rosas sa mundo’y ipinahayag
Kaya siya naging lunas, gamot sa sala ng lahat.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Viva ang Rosa aurora, si Hesus araw ng ganda
Nang siya’y mabuhay na pang-aliw mo po Senyora
Rosas ang nakakapara ng dibdib mong guminhawa.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Nagdaramit ng bulaklak nang sa langit paitaas
Ang naging pinto’y ang sugat na papasukan ng lahat
Sa tulong mo po, Birheng liyag mararating nami’t sukat.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Ang Rosario’y siyang simbahan nitong mapagbigay buhay
Sa puso natin mamamahay nang datnin ang kaaliwan
Pulang kolor kung pagmasdan, rosas ang siyang kabagay.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Sa langit kinoronahan luwalhati’t di maisinsay
Sa mundo’y di malimutan at pintakasing matibay
Awa ay hindi mabilang sa tao’y ibinibigay.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.
Araw-araw ay sumaya ng matamis na ligaya.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria
ANTIFONA
O magandang palad na Ina/ Birheng kalinis-linisan luwalhating Haring Reyna sa mundo/ Ipagkaloob mo po ang iyong mahal na tulong sa lahat ng nagsisipagdiwang ng kapistahan ng iyong Santissimo Rosario.
Leader: Haring Reyna ng Santisimo Rosario, kami’y ipinalangin mo.
Response: Nang kami’y maging dapat magkamit ng pangako ni Jesus.
PANALANGIN
Diyos at Panginoon naming/ ang bugtong na Anak mo’y siyang ipinagkait naming ng kalinga’t kabuhayang walang hanggan/ sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang tao/ pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli/ ipagkaloob mo pos a aming nagninilay-nilay nitong Santissimo Rosario ni Ginoong Santa Maria/ na kami’y matutong umalinsunod sa mga magagaling na aral na doo’y itinuturo sa amin/ gayon din naman/ magkamit kami ng mga grasya’t biyayang ganting ipinangangako sa amin/ alang-alang po kay Hesukristong Panginoon naming/ na kapisan mo at ng Espiritu Santo/ nabubuhay at naghahari magpasawalang hanngan.
Leader: Taong mga taong kahabag-habag.
Response: Pagpalain ng dalawang Mag-ina.
KATAPUSANG PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O, kagaling-galingang Diyos/ nang dahil sa malaking pag-ibig mo sa amin/ ay ipinagkaloob mo ang bugtong na anak mo/ at nang sa pamamagitan ng kaniyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli’y magkamit kami ng kabuhayang walang hanggan.
Idinadalangin po naming sa iyo/ na kaming nagninilay-nilay ng mga misteryo ng pagtubos sa amin/ na nalalaman sa Santissimo Rosario ng kamahal-mahalang Birhen Maria/ ay matutong maglingkod sa kaniya sa buong sinata’t kababaan ng loob/ at ng kung kami’y sumunod sa mga magagaling na halimbawang bigay sa amin ni Hesus at ni Maria/ ay makamtan naman naming ang ganti’t biyayang ipinangangako nitong dalawang mag-ina/ lalong-lalo na ang grasyang idinaraing naming ditto sa pagnonobena/ at saka naman ang isang magandang kamatayan/ nang kami’y makapagpuri sa kanila/ kasama ng mga angheles magpasawalang hanggan. Amen, Hesus.
No comments:
Post a Comment