Thursday, September 24, 2009

Novena In Honor of Nuestra Señora del Rosario

P A G S I S I Y A M
MAHAL NA BIRHEN NG SANTISSIMO ROSARIO, REINA NG CARACOL

PANALANGING GAGAWIN SA ARAW-ARAW
O, maawaing Birhen, mairuging Ina/ O katamis-tamisang Maria/ aliwa’t takbuhan ng mga masalanan/ taga-pamagitan sa Diyos at sa mga tao/ O lubhang mapalad na sasakyang sumaklolo sa mundong napahamak/ sa lalong masamang pagkalubog/ sa pinakadagat ng kasalanan./ O maningning na bahaghari ng kapayapaan/ nagbigay katapusan sa mga paglalaban ng lupa’t langit/ at pinapagkasundo mo ang Diyos na pinagkasalanan/ at ang nangagkasalang anak ni Adan.

O, kalapating kalinis-linisan/ na sa pagdadala ng sangang mayabong/ ng lalong mabangong oliva’t/ nagbalita ka ng kapayapaan dito sa bayang kahapis-hapis/O Inang mahabagin/ na sa pagkakita mong nagugumon ang mundo/ sa lusak ng dilang masasamang asal/ at malapit ng mapahamak sa laki ng matuwid na kagalitan/ ng pinagkasalanang anak mong si Hesus/ ay ipinahayag mo sa iyong debotong si Domingong anak/ na hinirang ng iyong puso/ ang lalong magaling na gamot/ matibay na kuta/at tiwasay na sakdalan ng Santisimo Rosario/ na siya mandin ang ikinapagbago ng buhay ng mga bayang Kristiyano/at ikinapagkamit ng tawad sa lalong katakot-takot at napopoot na hukom.

Ipagkaloob mo sa amin/ O, Inang lubhang mahabagin/ na sa kabagsika’t karapatan nitong kagaling-galingang debosyon/ ay matuto kaming magpayapa sa nagniningas na poot ng ating Diyos at Panginoon./ At sa isang mataimtim na pagsisi at marapat na pagpepenitensiya’y/ mapawi ang mga kasalanang nakapagpapukaw ng kaniyang galit sa amin/ at makapagsabi kami sa kanyang mahal na grasya’t kalugurang Ama.
At kung kami’y makapagkamit patawad sa masintahin mong Anak/at mamahay sa kanyang mahal na puso’t /maging dapat naman naming marinig yaong mapalad na bendisyon o pagpapala.

Magsiparini kayo, mga pinagpala ng aking ama, at ama naman ninyo/ at inyo nang tanggapin ang kahariang nahahanda sa inyo/ mula nang lalangin ng Diyos ang mundo./ Magsiparini kayong mga pinagpala ng aking ina, at ina naman ninyo/at inyo nang kamtan ang ligayang panonood sa karikit-dikitan niyang mukha/ at ang maningas na pag-ibig sa inyo ng katamis-tamisan niyang puso/ sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen, Hesus.

Ika-Unang Araw

UNANG ARAW

Aba, Ginoong Maria/ Mahal na ibon sa paraiso/ Aba kalapating walang kasing linis/ na naglihi lalang ng Diyos Espiritu Santo/sa ikalawang Persona na nagkatawang tao sa lubos na ligaya ng puso mo/ Aba esposang malumbay/ na nagpanangis sa di maulatang hirap ng mahal na pasyon ng iyong Hesus.

Aba, Birhen lubhang mapalad/ na naglihi’t di nasiraan ng kalinisan ng pagka-birhen/ hindi nagdalang sakit sa pagkabuntis/ at hindi nagdamdam ng hirap sa panganganak/ Aba, inang kaibig-ibig, na hindi nadapuan ng ano mang kasalana’t /hindi narapatan ng ating pagdurusa.

Sa kabagsikang nitong mga Aba Ginoong Mariang ibinati naming sa iyo’y/ iligtas mo kami sa kahirapa’t karalitang ipinamana sa buong kinaapuhan niya/ ng kauna-unahang ina nating salaring si Eva./ Palitan mo po ng kapatawaran ang pananangis sa kasalanan/ at gantihin mo ng kaluwalhatian ang pagtitiis ng kaparusahan. Amen. Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.

Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ikalawang Araw

IKALAWANG ARAW

Aba Ginoong Maria/ karidit-dikitang liwayway, na sa panganganak mo sa lalong masinag na araw ng katuwirang si Hesus/ ay liwanagan mo itong aming madilim at nagpipighating lupa/Mariang karagatan ng madlang kapaitang tiniis mo/ sa gitna ng mga matataas na daluyong ng mahal na pasyon/ Mariang Haring Reyna’t Panginoon ng lahat/ na pinataas na lalo sa tanang kinapal ng putungan ka ng Santisima Trinidad ng korona ng pagkahari ng langit at lupa

Aba Mariang talang maliwanag sa dagat/ durungawan sa paraiso/ pinto sa kabuhayang walang hanggan/ liwanagan mo kami O, maningning na bituin/ at sa masinag na ilaw ng iyong Santisimo Rosario’y pawiin mo ang makamamatay na kangitngitang nagdidilim sa mga mata ng aming loob.

Palitan mo po/ ng kapitan ng pagpepenitensya/ ang kaligayahang iniaalay sa amin nitong magdarayang mundong nagpapahulog sa amin sa kasalanan/ at yayamang tinatanganan mo ang setro ng pagkahari sa lupa at langit/ ay isauli mo itong mga pinapanaw na anak ni Eva/ sa kaligayahang walang hanggan sa langit. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Tatlong Araw

IKATLONG ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ puno ang kalinis-linisan mong tiyang tinahanan ng may lalang ng lahat ng grasya. Puno ng grasya sa mahal mong pusong mapalad na sisidlan ng kapuspusan ng mga grasya/ puno ng grasyang napakinabang ng mga santos/ at ipinamamahagi naman sa mga makasalanan/ puno ng grasya at sa kapunuan mo’y nagmula ang pagtubos sa amin/ at inaasahan namin ang ganting walang hanggan.

Tulungan mo kami O Inang puno ng grasya/ at alang-alang sa kamahalan ng Aba Ginoong Mariang ibinati sa iyo ng Arkanghel/ at sa mga misteryo ng Santisimo Rosario’y makita naming muli ang mahalagang hiyas/ ng mahal na grasyang nawala sa amin dahilan sa kasalanan/ at itong masukal na lupa ng aming mga kaluluwa’y luminis sa mga tinik ng mga bisyo’t magsuot ng marikit na damit ng mga kabanalang kristiyano. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Apat na Araw

IKA-APAT NA ARAW

Aba, Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/Sumasaiyo nga dahil sa lubos na pagkakaisa ng loob mo’t ng kalooban ng Diyos/Sumasaiyo dahil sa totoong pakikiratig ng katawan mo sa pagka- persona ng anak ng Diyos/ sumasaiyo dahil sa mataimtim na pagkakaibigan ninyong mag-ina at ang anak mo’t Anak din ng Diyos.

Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ parang mapagmahal na Panginoon sa kanyang pinakamamahal na alipin/ parang masintahing esposo sa kanyang sinisintang esposa/ parang mabait at masunuring anak sa kanyang iginagalang at iniibig na ina.

O kataas-taasang Haring Reyna/ yayamang nasa sa iyong mahal na kamay ang kapangyarihang walang hanggan ng Diyos/ ay ipagkaloob mo sa amin na sumaamin naman ang kamahal-mahalang Anak mong si Hesus/ sumaamin nga sa isang totoong pagkabago ng aming puso’t loob/ at sa marapat na pagtanggap namin ng kanyang kasantu-santusang katawa’t dugo sa Santisimo Sakramento. Amen, Hesus.

Ika-Limang Araw

IKA-LIMANG ARAW

Aba Ginoong Maria/napupuno ka ng grasya,/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala/ pinagpala ka nga sapagkat ikaw lamang ang hindi naramayan ng mga sumpa’t parusa ng Diyos sa lahat ng ibang mga babaeng anak ni Eva/ at ikaw nga lamang ang hindi nagdamdam ng anumang hirap sa mapalad at maluwalhating panganganak mo/ pinagpala ka sapagkat ikaw lamang ang sumaklolo sa kapahamakan/ ng buong kinaapuhan ni Adan sa harap ng ating Diyos at Panginoon/ pinagpala ka sapagkat ikaw lamang ang nagyurak ng ulo/ ng kaaway nating prinsipe sa kadiliman. Pinagpala ka sapagkat hindi mo inalumana ang buhay mo/ nang makita mo ang dalamhati’t kapighatian ng mga anak ni Adan/ pinagpala ka sapagkat nagsuson-suson ka ng mga awa mo sa amin/ ang mga awa ng mga misteryong naganap dito sa mundo/ na iyong pinagpisan sa Santong Rosario mo.

O Mahal na Senyora/ ipagkaloob mo po sa aming nangagdarasal ng iyong Rosario/ ang isang lubos na pananalo at pagtatagumpay sa mundo/ sa demonyo/ at sa mga lamang bayan/ ipinagkaloob mo naman sa Santa Iglesyang Ina natin/ ang isang puspos na pagtatagumpay sa kanyang mga kaaway/ ang pagkapawi ng mga erehiyas/ ang pagkakasundo’t pagkakaisa ng mga Haring Kristiyano. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Anim Na Araw

IKA-ANIM NA ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/ sa lahat ng babae/ sapagkat ikaw na mag-isa’y nakapagkamit ng tanang kagalingang kinamtam ng isa’t isa sa kanila/ lalo sa lahat ng babae/ sapagkat ikaw’y tanging hinirang sa kanilang lahat/ lalo sa mga Birhenes/ sapagkat ikaw lamang ang unang naghain sa Diyos ng kalinisan ng pagka-birhen/lalo sa may mga asawa/ sapagkat ikaw lamang ang naglihi’t di nasiraan ng pagka-birhen/lalo sa mga balo/sapagkat ikaw lamang ang naghain ng Anak mong sarili/ na anakin mo kaming mga kahabag-habag na anak ni Eva/ lalo kang pinagpala sa babaeng lahat/ sapagkat ikaw lamang ang bukod na hinirang na maging Ina ng Makapangyayari sa lahat/ at pinaluklok kang haring reyna sa kanan ng sinisinta mong Anak.

Ilingap mo sa amin Mahal na Senyora/ iyang mga mata mong maawain/ at ibuhos mo ang kapunuan ng iyong awa sa mga saliwang palad na anak ni Adan/ ibangon mo ang mga nangahahapay/ patapangin mo ang mga mahihinang loob/ aliwin mo ang nangalulumbay/ kalahari’t idaing mo ang lahat ng babaeng may loob sa Diyos. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Pitong Araw

IKA-PITONG ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/ pinagpala naman ang Anak mong si Hesus./ Mapalad nga ang bungang ibinigay sa mundo ng kalinis-linisan mong tiyan/ parang lupang malinis sa mga tinik ng kasalanan/ pinagpala nga ang bungang ipinagkaloob mo sa amin./ Amin na nga/ sapagka’t inihain mo sa Diyos at sa kamatayan alang-alang sa amin/ amin na nga sapagkat inihain mo sa Kalbaryo sa pagtubos sa amin/ at amin naman sapagkat mula sa langit/ ay ipinakita mong naninta sa aming mga pinapanaw dito sa bayang kahapis-hapis.

Mapalad ang bungang nanggaling sa paraiso ng halamanan ng kalinis-linisa’t birhen mong tiyan./ Mapalad ang bungang pinitas sa punong kahoy na Santa Krus at nakagaling sa aming mga kaluluwa./ Mapalad ang bunga mong naghatid sa iyo sa langit/ ng mapuspos ang ligaya ng mga lumuluwalhati roon/ idinadalangin po namin sa iyo O kalinis-linisang Birhen/ na patikimin mo kami/ ng masarap at mahalagang bunga ng iyong mahal na tiya/ at kung aming matikman dito ang kanyang katamisan/ sa magaling na pagninilay-nilay ng mga misteryo ng iyong Santo Rosario/ ay manamnam naming lubos ang maligayang piging sa kaluwalhatian ng langit. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Walong Araw

IKA-WALONG ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/ pinagpala naman ang Anak mong si Hesus./Pinagpala nga si Jesus na bungang magaling sa iyong kalinis-linisang tiyan./Sa iyong tiyang buhay na kabang pinagtaguan ng mana na nagmula sa kaluwalhatian./Sa iyong tiyang malinis na sisidlang pinagsahuran ng maginhawang hamog na galing sa langit./ Sa iyong tiyang mahal na biril na pinagtaguan ng lalong mahalagang hiyas na si Jesus. Sa iyong tiyang marikit na halamanang pinamutihan ng masamyong bulaklak na rosas at lirios/ rosas ng lalong puspos na kalinisa’t kabanguhan/ sa gitna ng mga tinik ng mga dalita’t hirap sa mahal na pasyon ng sinisinta mong Anak at lirios na marilag sa ningning ng maluwalhating pagkabuhay na mag-uli.

Ipagkaloob mo sa amin O Inang kaibig-ibig na kami nama’y maging dapat na magdala sa mahal mong Hesus sa aming mga puso’t loob/ at sa paraan ng isang maningas sa pagsisisi’t pagbabalik-loob sa kanyang kamahala’y magkamit ng kanyang mahal na grasya’t kabuhayang walang hanggan. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Siyam Na Araw

IKA-SIYAM NA ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ bukod kang pinagpala sa babaeng lahat/at pinagpala naman ang Anak mong si Hesus./ Si Hesus na ibinalita sa iyo ng Arkanghel na si San Gabriel./ Si Hesus na nagkatawang tao sa iyong tiyang birhen./ Si Hesus na ipinanganak mong ilaw, gamot at kagalingan sa mundo./ Si Hesus na ipinagsigawang hari ng mga Hudios./ Si Hesus na napadakip sa kanila alang-alang sa pag-ibig niya sa atin./ Si Hesus na namatay sa Krus sa pagtubos sa atin. Si /Hesus na nabuhay na mag-uli./ Si Hesus na umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Diyos Ama/ at nagputong sa iyo ng korona ng pagka Haring Reyna ng lupa’t langit./ Si Hesus na namagitan sa Diyos Ama ng kami’y papagkamtin ng kanyang kaluwalhatian.

Ang buong Hesus, O, Mahal na Senyora ang iniaalay namin sa iyo dito sa Santisimo Rosario./ Tanggapin mo po parang haing kinalulugdang lubos ng iyong puso/ at gantihin mo naman itong aming alay sa iyo/ ng pagkakaloob sa amin ng biyayang hinihiling ng aming puso’t ikinatatapos namin nitong pagno-novena./ Santa Maria, sakdal awa’t pag-ibig/ Ina ng Diyos at Ina naman namin/ ipanalangin mo kaming mga anak mong makasalanan ngayon sa buhay na ito/ nang kami’y makapagkamit ng grasya’t kapatawaran./ At sa oras naman ng aming pagkamatay ng kami’y magkamit ng kabuhaya’t kaluwalhatiang walang hanggan. Amen, Hesus.

Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be

(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Wednesday, September 23, 2009

Response After Each Novena Day

G O Z O S
Leader: Araw-araw ay sumaya ng matamis na ligaya.
Response: Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Malaking kapangyarihan nitong Trinidad na mahal
Siyang nagtanim ng rosal tribunal na kaawaan
Sa ganitong kamahalan, Birhen ay sambahi’t luhuran.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Aming utang Inang tunay ang pag-ibig mong mataman
Kaya po handa na naman bating kapakumbabaan
Ang Ave, ipagdiriwang, wikang pang-alis ng lumbay

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Tao’t anghel ay magpisan, Ave, awiti’t idangal
Dalit na kinalulugdan ng mga taingang banal
At ang demonyong kaaway nailag sa gayong diwang.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Sa tiyan mo pong sagrado, doon nagkatawang tao
Dahilang ipinarito kahinayangan sa tao
Rosal kang sakdal ng bango nangayupapang totoo.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Ang Rosal ng tronong mahal nagdala ng rosang hirang
Sa malaking kabanguhan ay magmula ngayong araw
Prekursor ay napawian dating salang orihinal.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Ipinanganak si Hesus niyong Inang maalindog
Gamot at siyang sumakop sa sala nating tibobos
Dahilan sa pagkalunos nitong mag-inang sing-irog.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Ipinasok sa simbahan ang rosang bango ay sakdal
At inihain ang buhay tubos na kapangakuan
Ama’y napawi ang lumbay at ang galit ay naparam.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Tatlong araw na nawalay ang Anak na kaibigan
Di masabing kalumbayan, Birhen ang iyong dinamdam,
Pagdalangin ay mataman, mawili sa iyong kamay.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Yaong bulaklak na ibig dugo ang ipinapawis
Kulay pa’y kahapis-hapis sa sala nami’y bihis
Nang mapayapa ang init sa Diyos na pagkagalit.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Yaong mukhang pinagtampal nitong Corderong timtiman,
hinampas ng walang bilang, hinalay at pinutungan,
hanggang sa Krus namatay, nagtiis at kaawaan.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Roseo Cordero ang tawag niyong si Bernardong liyag
Ang sa ina nama’y Rosas sa mundo’y ipinahayag
Kaya siya naging lunas, gamot sa sala ng lahat.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Viva ang Rosa aurora, si Hesus araw ng ganda
Nang siya’y mabuhay na pang-aliw mo po Senyora
Rosas ang nakakapara ng dibdib mong guminhawa.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Nagdaramit ng bulaklak nang sa langit paitaas
Ang naging pinto’y ang sugat na papasukan ng lahat
Sa tulong mo po, Birheng liyag mararating nami’t sukat.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Ang Rosario’y siyang simbahan nitong mapagbigay buhay
Sa puso natin mamamahay nang datnin ang kaaliwan
Pulang kolor kung pagmasdan, rosas ang siyang kabagay.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Sa langit kinoronahan luwalhati’t di maisinsay
Sa mundo’y di malimutan at pintakasing matibay
Awa ay hindi mabilang sa tao’y ibinibigay.

Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria.

Araw-araw ay sumaya ng matamis na ligaya.
Dasalin ng buong sinta ang Rosario ni Maria

ANTIFONA
O magandang palad na Ina/ Birheng kalinis-linisan luwalhating Haring Reyna sa mundo/ Ipagkaloob mo po ang iyong mahal na tulong sa lahat ng nagsisipagdiwang ng kapistahan ng iyong Santissimo Rosario.

Leader: Haring Reyna ng Santisimo Rosario, kami’y ipinalangin mo.
Response: Nang kami’y maging dapat magkamit ng pangako ni Jesus.

PANALANGIN
Diyos at Panginoon naming/ ang bugtong na Anak mo’y siyang ipinagkait naming ng kalinga’t kabuhayang walang hanggan/ sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang tao/ pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli/ ipagkaloob mo pos a aming nagninilay-nilay nitong Santissimo Rosario ni Ginoong Santa Maria/ na kami’y matutong umalinsunod sa mga magagaling na aral na doo’y itinuturo sa amin/ gayon din naman/ magkamit kami ng mga grasya’t biyayang ganting ipinangangako sa amin/ alang-alang po kay Hesukristong Panginoon naming/ na kapisan mo at ng Espiritu Santo/ nabubuhay at naghahari magpasawalang hanngan.

Leader: Taong mga taong kahabag-habag.
Response: Pagpalain ng dalawang Mag-ina.

KATAPUSANG PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O, kagaling-galingang Diyos/ nang dahil sa malaking pag-ibig mo sa amin/ ay ipinagkaloob mo ang bugtong na anak mo/ at nang sa pamamagitan ng kaniyang buhay, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli’y magkamit kami ng kabuhayang walang hanggan.

Idinadalangin po naming sa iyo/ na kaming nagninilay-nilay ng mga misteryo ng pagtubos sa amin/ na nalalaman sa Santissimo Rosario ng kamahal-mahalang Birhen Maria/ ay matutong maglingkod sa kaniya sa buong sinata’t kababaan ng loob/ at ng kung kami’y sumunod sa mga magagaling na halimbawang bigay sa amin ni Hesus at ni Maria/ ay makamtan naman naming ang ganti’t biyayang ipinangangako nitong dalawang mag-ina/ lalong-lalo na ang grasyang idinaraing naming ditto sa pagnonobena/ at saka naman ang isang magandang kamatayan/ nang kami’y makapagpuri sa kanila/ kasama ng mga angheles magpasawalang hanggan. Amen, Hesus.

Tuesday, September 22, 2009

History

Nuestra Señora del Santissimo Rosario de Caracol
Patroness of Rosario, (Salinas), Cavite
Feast Day: 1st Saturday of October and 3rd Saturday of May
There are three legends that surrounds the image of Our Lady.

The first legend says that the icon of the Virgin and the Child was one day found floating on the water by a group of youngsters playing along the seashore. The kids played with it, using it as a toy and afterwards they would hide it in the bushes near the sea. But every time they came back they saw the image already floating leisurely on the water, as it waiting for them. They thought it strange, but could not explain how the icon got back to the water.
Not long afterwards their elders learned about the holy icon, and they took it to an empty nipa shack thus began the public adoration of the Madonna and Child. The hut was then transformed into a place of worship. News of the miraculous happenings attributed to the image spread around.

The second legend states that the icon of the Mother of God and her Chld was found on a Sampaloc tree. The people decided to have a small chapel made to enthrone the icon.

The third legend is from Rev. Fr. Virgilio Saenz Mendoza, a historian in Cavite. It was said that during the Spanish era, a violent storm ravaged the houses and livelihood of those who lived along Manila Bay. There were even sailors who were stranded in the middle of the sea, one of which was a cargo ship from Mindoro. The sailors tied themselves on the ship to save their lives. But the captain went inside the vault of the ship to save what ever he could get. While inside he noticed the icon of the Blessed Virgin hanging on the wall. He prayed to the Virgin and promised her that he would have a chapel built in honor of her if she would save them from the storm. The Blessed Virgin heard his prayers and the captain fulfilled his promise.
Powered By Blogger

WELCOME!

Welcome Kababayans! This blog is dedicated to our Beloved Patroness of Rosario, Cavite.