Wednesday, May 5, 2010

FIESTA 2010! - PROGRAM OF ACTIVITIES


ROSARIO, CAVITE TOWN FIESTA (May 2010)
Honoring Our Most Beloved Patorness
Nuestra Señora del Santissimo Rosario Virgen de Caracol
May 22-23, 2010


PROGRAM OF ACTIVITIES
May 13-21 - Novena in honor of Nuestra Señora del Rosario
Virgen de Caracol
4:00pm - (Mon.-Sat.)
3:00pm - (Sun.)

May 18, Tuesday - Concelebrated Mass
5:00pm - (Presided by: Most Rev. Luis Antonio G. Tagle, D.D.- Bishop of Imus)
Sacerdotal Anniversary - Rev. Fr. Alfredo "Efren" A. Maramara (Parochial Vicar)


May 21, Biyernes, 7:00 pm - Prusisyon (Sapa I,II, III, IV)

May 22, Saturday - Visperas de Fiesta
6:00 am - Holy Mass
7:00 am to 5:00 pm - Karakol
5:00 pm - Holy Mass

May 24, Sunday - Pentecost Sunday (Araw ng Pistang Bayan)

May 29, Saturday - Flores De Mayo

May 30, Sunday - Prusisyon ng Pasasalamat sa Karangalan ng Mahal na Patrona
5:30pm - Holy Mass

H A P P Y F I E S T A ! ! !

Sunday, October 18, 2009

Salinas Fiesta in the Bay Area


The Salinians of Northern California, Inc.

celebrated their 29th Annual Salinas Fiesta on Saturday, October 3rd, 2009 at McCormack Hall, Solano County Fairgrounds, Vallejo, CA
It was a festive gathering of town mates, relatives and friends. The day was filled with church service, the lively traditional "Karakol", food, games for the children, entertainment and a solemn procession in the afternoon.

More pictures and videos please visit: http://www.salinians.org/



Thursday, September 24, 2009

Novena In Honor of Nuestra Señora del Rosario

P A G S I S I Y A M
MAHAL NA BIRHEN NG SANTISSIMO ROSARIO, REINA NG CARACOL



PANALANGING GAGAWIN SA ARAW-ARAW
O, maawaing Birhen, mairuging Ina/ O katamis-tamisang Maria/ aliwa’t takbuhan ng mga masalanan/ taga-pamagitan sa Diyos at sa mga tao/ O lubhang mapalad na sasakyang sumaklolo sa mundong napahamak/ sa lalong masamang pagkalubog/ sa pinakadagat ng kasalanan./ O maningning na bahaghari ng kapayapaan/ nagbigay katapusan sa mga paglalaban ng lupa’t langit/ at pinapagkasundo mo ang Diyos na pinagkasalanan/ at ang nangagkasalang anak ni Adan.


O, kalapating kalinis-linisan/ na sa pagdadala ng sangang mayabong/ ng lalong mabangong oliva’t/ nagbalita ka ng kapayapaan dito sa bayang kahapis-hapis/O Inang mahabagin/ na sa pagkakita mong nagugumon ang mundo/ sa lusak ng dilang masasamang asal/ at malapit ng mapahamak sa laki ng matuwid na kagalitan/ ng pinagkasalanang anak mong si Hesus/ ay ipinahayag mo sa iyong debotong si Domingong anak/ na hinirang ng iyong puso/ ang lalong magaling na gamot/ matibay na kuta/at tiwasay na sakdalan ng Santisimo Rosario/ na siya mandin ang ikinapagbago ng buhay ng mga bayang Kristiyano/at ikinapagkamit ng tawad sa lalong katakot-takot at napopoot na hukom.


Ipagkaloob mo sa amin/ O, Inang lubhang mahabagin/ na sa kabagsika’t karapatan nitong kagaling-galingang debosyon/ ay matuto kaming magpayapa sa nagniningas na poot ng ating Diyos at Panginoon./ At sa isang mataimtim na pagsisi at marapat na pagpepenitensiya’y/ mapawi ang mga kasalanang nakapagpapukaw ng kaniyang galit sa amin/ at makapagsabi kami sa kanyang mahal na grasya’t kalugurang Ama.
At kung kami’y makapagkamit patawad sa masintahin mong Anak/at mamahay sa kanyang mahal na puso’t /maging dapat naman naming marinig yaong mapalad na bendisyon o pagpapala.


Magsiparini kayo, mga pinagpala ng aking ama, at ama naman ninyo/ at inyo nang tanggapin ang kahariang nahahanda sa inyo/ mula nang lalangin ng Diyos ang mundo./ Magsiparini kayong mga pinagpala ng aking ina, at ina naman ninyo/at inyo nang kamtan ang ligayang panonood sa karikit-dikitan niyang mukha/ at ang maningas na pag-ibig sa inyo ng katamis-tamisan niyang puso/ sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen, Hesus.

Ika-Unang Araw


UNANG ARAW

Aba, Ginoong Maria/ Mahal na ibon sa paraiso/ Aba kalapating walang kasing linis/ na naglihi lalang ng Diyos Espiritu Santo/sa ikalawang Persona na nagkatawang tao sa lubos na ligaya ng puso mo/ Aba esposang malumbay/ na nagpanangis sa di maulatang hirap ng mahal na pasyon ng iyong Hesus.

Aba, Birhen lubhang mapalad/ na naglihi’t di nasiraan ng kalinisan ng pagka-birhen/ hindi nagdalang sakit sa pagkabuntis/ at hindi nagdamdam ng hirap sa panganganak/ Aba, inang kaibig-ibig, na hindi nadapuan ng ano mang kasalana’t /hindi narapatan ng ating pagdurusa.


Sa kabagsikang nitong mga Aba Ginoong Mariang ibinati naming sa iyo’y/ iligtas mo kami sa kahirapa’t karalitang ipinamana sa buong kinaapuhan niya/ ng kauna-unahang ina nating salaring si Eva./ Palitan mo po ng kapatawaran ang pananangis sa kasalanan/ at gantihin mo ng kaluwalhatian ang pagtitiis ng kaparusahan. Amen. Hesus.



Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.

Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be


(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ikalawang Araw

IKALAWANG ARAW

Aba Ginoong Maria/ karidit-dikitang liwayway, na sa panganganak mo sa lalong masinag na araw ng katuwirang si Hesus/ ay liwanagan mo itong aming madilim at nagpipighating lupa/Mariang karagatan ng madlang kapaitang tiniis mo/ sa gitna ng mga matataas na daluyong ng mahal na pasyon/ Mariang Haring Reyna’t Panginoon ng lahat/ na pinataas na lalo sa tanang kinapal ng putungan ka ng Santisima Trinidad ng korona ng pagkahari ng langit at lupa

Aba Mariang talang maliwanag sa dagat/ durungawan sa paraiso/ pinto sa kabuhayang walang hanggan/ liwanagan mo kami O, maningning na bituin/ at sa masinag na ilaw ng iyong Santisimo Rosario’y pawiin mo ang makamamatay na kangitngitang nagdidilim sa mga mata ng aming loob.

Palitan mo po/ ng kapitan ng pagpepenitensya/ ang kaligayahang iniaalay sa amin nitong magdarayang mundong nagpapahulog sa amin sa kasalanan/ at yayamang tinatanganan mo ang setro ng pagkahari sa lupa at langit/ ay isauli mo itong mga pinapanaw na anak ni Eva/ sa kaligayahang walang hanggan sa langit. Amen, Hesus.



Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be


(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Tatlong Araw

IKATLONG ARAW

Aba Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ puno ang kalinis-linisan mong tiyang tinahanan ng may lalang ng lahat ng grasya. Puno ng grasya sa mahal mong pusong mapalad na sisidlan ng kapuspusan ng mga grasya/ puno ng grasyang napakinabang ng mga santos/ at ipinamamahagi naman sa mga makasalanan/ puno ng grasya at sa kapunuan mo’y nagmula ang pagtubos sa amin/ at inaasahan namin ang ganting walang hanggan.

Tulungan mo kami O Inang puno ng grasya/ at alang-alang sa kamahalan ng Aba Ginoong Mariang ibinati sa iyo ng Arkanghel/ at sa mga misteryo ng Santisimo Rosario’y makita naming muli ang mahalagang hiyas/ ng mahal na grasyang nawala sa amin dahilan sa kasalanan/ at itong masukal na lupa ng aming mga kaluluwa’y luminis sa mga tinik ng mga bisyo’t magsuot ng marikit na damit ng mga kabanalang kristiyano. Amen, Hesus.





Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be


(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)

Ika-Apat na Araw


IKA-APAT NA ARAW

Aba, Ginoong Maria/ napupuno ka ng grasya/ ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/Sumasaiyo nga dahil sa lubos na pagkakaisa ng loob mo’t ng kalooban ng Diyos/Sumasaiyo dahil sa totoong pakikiratig ng katawan mo sa pagka- persona ng anak ng Diyos/ sumasaiyo dahil sa mataimtim na pagkakaibigan ninyong mag-ina at ang anak mo’t Anak din ng Diyos.

Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo/ parang mapagmahal na Panginoon sa kanyang pinakamamahal na alipin/ parang masintahing esposo sa kanyang sinisintang esposa/ parang mabait at masunuring anak sa kanyang iginagalang at iniibig na ina.

O kataas-taasang Haring Reyna/ yayamang nasa sa iyong mahal na kamay ang kapangyarihang walang hanggan ng Diyos/ ay ipagkaloob mo sa amin na sumaamin naman ang kamahal-mahalang Anak mong si Hesus/ sumaamin nga sa isang totoong pagkabago ng aming puso’t loob/ at sa marapat na pagtanggap namin ng kanyang kasantu-santusang katawa’t dugo sa Santisimo Sakramento. Amen, Hesus.


Humingi ang bawat isa ng biyayang nais na makamtan sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.
Pause for Personal Intentions then say: 3 Hail Mary and 3 Glory Be



(Isunod ang Gozos, Antifona, and Katapusang Panalangin Sa Araw-Araw)
Powered By Blogger

WELCOME!

Welcome Kababayans! This blog is dedicated to our Beloved Patroness of Rosario, Cavite.